Newsletter

Breaking News

GABAY SA MGA RETURNING OVERSEAS FILIPINOS (ROFS)/LOCALLY STRANDED INDIVIDUALS (LSIs) NA UUWI SA NORTHERN SAMAR


A. Maituturing na mga Locally Stranded Individuals (LSI) ang mga sumusunod:
a. Mga manggagawa
b. Mga estudyante
c. Mga turista
d. Mga indibidwal na na-stranded sa ibang lugar habang nasa byahe

B. Maituturing na mga Returning Overseas (ROFs) ang mga sumusunod:


a. Mga Overseas Filipino Workers (OFWs), documented man o hindi

b. Iba pang manggagaling abroad na hindi OFW (non-OFWs), tulad ng:
    1. Mga estudyanteng uuwi ng Pilipinas
    2. Mga J1 Visa holders / exchange visitor’s program
    3. Mga kinatawan ng Pilipinas sa ibang bansa
    4. Mga uuwing turistang Pinoy
    5. Mga delegado ng Pilipinas sa mga trainings at scholarships sa ibang bansa
    6. Mga asawang banyaga ng mga Pilipino at ang kanilang mga anak

C. Minimum Health Standards
- Mga alituntunin na itinalaga sa ilalim ng Department of Health Administrative Order No. 2020-0015 na nagsasaad ng mga pag-iingat upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face mask, pagpapatupad ng  social distancing, at palagiang paghuhugas ng kamay at pagdi-disinfect.

D. Public Utility Vehicle (PUV)
- Mga sasakyang itinalaga upang maghatid ng mga ROFs at LSIs mula sa kanilang panggagalingang lugar papuntang Northern Samar nang walang anumang stopover o paghinto.


LOCALLY STRANDED INDIVIDUALS (LSI)

I. PRE-DEPARTURE
1. Ipagbibigay-alam ng LSI sa barangay na siya ay stranded.
2. Itatawag ng barangay sa Municipal/City IATF at Provincial IATF upang maipadala ito sa  Regional Task Force (RTF) at sa Joint Task Force (JTF) COVID Shield.
3. Kukuha ang LSI ng Medical Clearance Certificate mula sa City o Municipal Health Office.
4. Kukunin ng LSI ang Travel Authority mula sa JTF COVID Shield.
5. Tatlong araw bago umalis ang LSI, ipapaalam niya sa tatanggap na LGU kung inupahang PUV o pribadong sasakyan ang kaniyang gagamitin.

II. DEPARTURE AND ARRIVAL AT ENTRY POINT
Para sa mga LSI na may sariling sasakyan:
1. Ipi-presenta ng LSI ang travel authority sa mga Quarantine Control Point na madadaan.
2. Pagkarating, agad na mag-report sa uuwiang LGU para magpatala, sumunod sa mga LGU protocols at madala sa identified quaratine areas.

Para sa mga LSI na walang sariling sasakyan:
1. Ang mga paparating na LSI ay makikipag-ugnayan sa DILG Northern Samar at sa Provincial sub-task group
2. Sasailalim ang mga LSI sa port at border control polices at dadalhin sa provincial holding area para sa documentation, processing at endorsement.
3. Susunduin ng mga tatangap na municipal LGUs ang kanilang mga LSI mula sa provincial holding area. Maaaring tumulong ang Provincial IATF sa pagba-biyahe ng mga LSI papunta sa kanilang mga munisipyo.

III. ARRIVAL AT FINAL DESTINATION
1. Kukunin ng tatanggap na LGU mula sa LSI ang kanyang Travel Authority at Medical Clearance
2. Susuriin ng LHO ang health status ng LSI
3. I-momonitor ng lokal na IATF ang kalusugan ng LSI sa loob ng 14 na araw. Ang mga LSI na walang dalang dokumento ay maaaring isailalim sa 21-day quarantine.

No comments

close(x)

Covid-19 Update

New Recoveries: 3
Total Recoveries: 1,520
Deaths: 34
New Cases: 28
Active Cases: 86
Total Cases: 1,641


 
    
    • Allen - 2
• Bobon – 1
• Capul - 2
• Catarman – 10 
• Catubig – 2
• Laoang – 3
• Lavezares – 5
• Palapag - 6 
• Mapanas – 22
• Mondragon 1 
• San Antonio -8
• San Isidro – 10
• San Roque – 3
• San Vicente – 11